MANILA, Philippines – Nakipagkita si Asian Development Bank (ADB) President Masato Kanda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malakanyang at sinabing handa ang ADB na magbigay ng hanggang $1.75 bilyon ng karagdagang pondo para suportahan ang Pilipinas na pangasiwaan ang epekto sa ekonomiya ng kaguluhan sa Middle East.
“The Philippines is ADB’s home, and we see the strain this crisis is placing on Filipino families, workers, and businesses,” ani Mr. Kanda.
“ADB will act swiftly to support the government to protect vulnerable communities, manage fiscal pressures, and strengthen the economy’s resilience.”
Tinamaan ang Pilipinas partikular ng paglobo sa presyo ng produktong petrolyo na nagpataas din sa iba pang mga pangunahing produkto katulad ng fertilizer, transportasyon, mga pagkain, at iba pang global commodities.
Nag-alok ang ADB ng suporta sa pamahalaan na pangasiwaan ang fiscal pressures sa pamamagitan ng karagdagang policy-based at countercyclical lending na hanggang $1.75 bilyon, maging ang trade finance kung kinakailangan na kayang makapagbigay ng tulong sa vulnerable Filipinos.
Ito ay dagdag sa $2 bilyong policy-based loans na inihahanda sa Pilipinas ngayong taon.
Nakikipagtulungan din ang ADB sa mga ahensy ang pamahalaan para proteksyunan ang mga vulnerable na indibidwal at palakasin ang longer-term resilience.
Kabilang dito ang advisory support sa Department of Agriculture sa domestic fertilizer security, tulong sa Department of Social Welfare and Development sa social protection, at suporta para sa energy security, clean energy, energy efficiency, at mass transit investments para mabawasan ang exposure sa
fuel-price shocks. RNT/JGC