Home HOME BANNER STORY Ceasefire ng Israel, Lebanon pinalawig ng 45 araw

Ceasefire ng Israel, Lebanon pinalawig ng 45 araw

60
0

ISRAEL – Pumayag ang Israel at Lebanon sa 45-araw na pagpapalawig sa ceasefire na nagpahupa sa tensyon sa pagitan ng Israel at Iran-backed Hezbollah sa southern Lebanon.

“The April 16 cessation of hostilities will be extended by 45 days to enable further progress,” sinabi ni State Department spokesperson Tommy Pigott.

Dagdag pa niya, layon ng usapan na maisaayos ang ilang dekada nang gulo sa pagitan ng dalawang bansa at tinukoy niyang ang usapang ito ay “highly productive.”

Nakatakda sanang matapos ang ceasefire bukas, Mayo 17.

Nag-isyu ng mga positibong pahayag tungkol sa usapin ang Lebanese at Israeli delegations na ikatlong pagpupulong mula nang maglunsad ng air attacks ang Israel sa Lebanon matapos namang magpakawala ng mga missile ang Hezbollah sa Israel noong Marso 2. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here