Home NATIONWIDE Japan niyanig ng M-6.3 na lindolNATIONWIDETOP STORIESWORLD Japan niyanig ng M-6.3 na lindolMay 16, 2026 08:24600 FacebookTwitterPinterestWhatsApp JAPAN – Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang northern Japan nitong Biyernes, Mayo 15.Sa kabila nito ay wala namang tsunami warning ang inisyu at wala ring iniulat na mga matinding pinsala.Ang lindol ay tumama 8:22 ng gabi sa dagat sa northern Miyagi prefecture, ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA).Kasunod ito ng malakas na magnitude 7.7 na lindol na tumama sa rehiyon noong Abril na nagdulot ng tsunami alert nang mga panahong iyon.Nagbabala ang JMA ng mga posible pang malalakas na lindol sa rehiyon.Samantala, wala ring namataang abnormalities sa nuclear power plants sa Miyagi at Fukushima, na 125 kilometro ang layo mula sa epicenter. RNT/JGC