Home NATIONWIDE 3 tulak, notoryus holdaper arestado

3 tulak, notoryus holdaper arestado

55
0

MANILA, Philippines – Tatlong hinihinalang tulak ng droga at umano’y holdaper pa ang naghihimas ngayon ng rehas na bakal makaraang arestuhin nang holdapin nito ang isang lalaki at tinangay ang nasa humigit kumulang sa P500,000 halaga ng alahas at gadget at nakuhanan pa ng P340,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Bacoor City, Cavite nitong Biyernes ng gabi, Mayo 15.

Sa nakalap na report mula sa Bacoor Police, kinilala ang mga nadakip na sina alyas Jeffrey, alyas Jeramie at Robert habang pinaghahanap pa ang isa nilang kasamahan.

Batay sa ulat, bandang alas-8:00 ng gabi sa harapan ng Marinduqenio ay nakatayo ang biktima na si alyas Rowel, 35 ng Brgy Molino 1, ng nasabing lungsod sa kahabaan ng Molino Blvd nang lapitan siya ng mga suspek at kunwari kinausap nang isa sa suspek hanggang sa naglabas ng patalim at puwersahang tinangay ang kanyang bracelet, singsing at Samsung S24 Ultra na cellphone.

Kaagad na humingi ng tulong ang biktima sa Bacoor Component City Police Station at sa isinagawang hot pursuit operation ay naaresto ang tatlong suspek habang ang isa nilang kasamahan na sakay ng kulay pula na NMAX na motorsiklo ay nakatakas.

Narekober mula sa mga suspek ang isang kulay itim na motorsiklong Motorstar Easyride 150 na ginamit na getaway vehicle, isang kalibre 9mm na pistol na may anim na bala na nakuha kay alyas Jeffrey at isang humigit kumulang sa 50 gramo ng hininilanang shabu na may Standard Value Drug Price na P340,000.00, isang sling bag, isang holster at dalawang helmet.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at Section 11 ng RA 9165 at Robbery Holdup ang mga suspek na kasalukuyang nakaditine ngayon sa Bacoor Police Station. MARGIE BAUTISTA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here