Home NATIONWIDE LPA namataan sa silangan ng Central Luzon, frontal system magpapaulan sa Hilagang...

LPA namataan sa silangan ng Central Luzon, frontal system magpapaulan sa Hilagang Luzon

48
0
Screenshot

MANILA, Philippines – Namataan ng PAGASA ang isang low-pressure area (LPA), na dating tinawag na Caloy, sa silangan ng Central Luzon nitong Linggo ng madaling araw.

Ayon sa 4 a.m. weather bulletin ng PAGASA, nasa layong 980 kilometro silangan ng Central Luzon ang LPA bandang alas-3 ng madaling araw.

Patuloy namang nakaaapekto ang frontal system sa Extreme Northern Luzon. Dahil dito, makararanas ang Batanes at Babuyan Islands ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms. Posible rin ang pagbaha at pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang malakas na ulan.

Samantala, posibleng makaranas ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ng bahagyang maulap hanggang maulap na panahon na may isolated rain showers o thunderstorms dulot ng localized thunderstorms.

Nagbabala rin ang PAGASA na maaaring magdulot ang malalakas na thunderstorm ng flash floods at landslides sa mga apektadong lugar.

Inaasahan ang katamtamang hangin mula northeast hanggang north sa Northern Luzon, na may taas ng alon na 1.2 hanggang 2.1 metro.

Sa nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas, inaasahan ang mahina hanggang katamtamang hangin at alon na 0.6 hanggang 1.8 metro. Sa Mindanao naman, bahagya hanggang katamtaman ang alon na maaaring umabot sa 1.2 metro.

Sa PAGASA Science Garden sa Diliman, Quezon City, umabot sa 36.1 degrees Celsius ang pinakamataas na temperatura noong Sabado habang 28.2 degrees Celsius naman ang pinakamababang naitala. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here