MANILA, Philippines – Walang nakakuha ng jackpot prizes sa Grand Lotto 6/55 at Lotto 6/42 nitong Sabado ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ang winning combination sa Grand Lotto 6/55 ay 09-06-19-46-39-48 na may jackpot prize na humigit-kumulang ₱104.8 milyon. Ayon sa PCSO, walang tumama sa lahat ng anim na numero.
Samantala, ang winning numbers sa Lotto 6/42 ay 07-28-26-32-25-12 na may jackpot prize na nasa ₱14.5 milyon. Wala ring bettor na nanalo sa naturang jackpot prize. RNT/MND