CAVITE, Philippines – Isang lalaki ang natagpuang patay sa isang Basketball court makaraang magpaalam na maglalaro lamang ng bilyar sa Silang Cavite.
Base sa report ng pulisya, kinilala ang biktima na si alyas Bana, nasa hustong gulang, residente ng Brgy Tubuan 2 ng nasabing bayan.
Ayon sa ginawang imbestigasyon ng pulisya bandang alas 4:30 ng madaling araw nang matagpuan ang biktima na duguan sa nasabing basketball court.
Napag alaman na nagpaalam di umano ang biktima na maglalaro lamang ng bilyar subalit hindi na ito muling nakauwi.
Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen upang alamin ang naging motibo at kung sino ang responsable sa pagpatay sa biktima. MARGIE BAUTISTA