Home TOP STORIES Qantas flight nilihis dahil sa pasaherong nangagat ng crew

Qantas flight nilihis dahil sa pasaherong nangagat ng crew

60
0
A Qantas Airways Boeing 737 aircraft takes off from Sydney International Airport in Sydney on August 18, 2025. An Australian court fined Qantas Aus$90 million (US$59 million) on August 18 for illegally laying off 1,800 ground staff during the Covid-19 pandemic. (Photo by DAVID GRAY / AFP)

MELBOURNE, Autralia – Napilitang ilihis ng Australian airline na Qantas ang isang flight patungong United States matapos manggulo ang isang pasahero habang nasa biyahe.

Ang eroplano mula Melbourne na papuntang Dallas noong Biyernes ay pansamantalang lumapag sa Papeete, kabisera ng French Polynesia, dahil sa insidente.

Ayon sa mga ulat ng local media kabilang ang ABC, kinagat umano ng pasahero ang isang flight attendant. Pinigilan naman siya ng ilang kapwa pasahero.

Pagdating ng eroplano, sinalubong ng mga awtoridad ang naturang pasahero at pinatawan siya ng no-fly ban sa lahat ng Qantas flights.

Ayon sa tagapagsalita ng Qantas, “The safety of our customers and our crew is our number one priority and we have zero tolerance for disruptive or threatening behavior on our flights.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here