Manila, Philippines – Gaano katotoo ang tsika na may standing feud o away daw sina AZ Martinez at ang dating co-PBB housemate nitong si Ralph De Leon?
Ang tweet ng isang bubuwit, hindi raw kasi nagustuhan ni AZ ang ginawang pag-ispluk ng isang beauty queen na may idinate na kapwa kontesera ang aktor na nagsilbing host din ng ginanap na MUP coronation night.
Sa isa kasing panayam, napag-usapan ang nangyaring kapalpakan o technical difficulties sa produksyon ng MUP kung saan nalagay sa alanganin si Ralph.
Tinukso din ni Boy Abunda si MUP winner Bea Millan Windorski kung nakyukyutan ba siya kay Ralph sa kabila nang naging bulilyaso sa show.
Naging defensive naman sa pagsagot si Bea at sinabing may dyowa na siya.
Idinagdag pa nito na nakipag-date si Ralph sa kapwa niya kandidata.
Dahil sa pag-ispluk na ito, nag-react at nag-jelling daw si AZ na diumano’y may something na kay Ralph.
Anyway, bukas naman ang pahinang ito sa panig nina AZ at Ralph hinggil sa isyu. Archie Liao