Home NATIONWIDE ITCZ magdadala ng ulan sa Mindanao

ITCZ magdadala ng ulan sa Mindanao

54
0

MANILA, Philippines – Inaasahang magdudulot ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa southern Mindanao ngayong Lunes, Mayo 18, ayon sa PAGASA.

Sinabi ng PAGASA na ang ITCZ ay tumutukoy sa ulap na nabubuo sa lugar kung saan nagtatagpo ang hanging mula sa hilaga at timog hemispheres.

Apektado ng ITCZ ang mga sumusunod na lugar: Zamboanga Peninsula, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Soccsksargen, at Davao Region, kung saan inaasahan ang mga pag-ulan at thunderstorms.

Ayon sa PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, magpapatuloy pa ang epekto ng ITCZ sa Mindanao hanggang Martes bago ito unti-unting lumayo sa bansa sa susunod na araw.

Samantala, mananatili pa rin ang mainit at mahalumigmig na panahon sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa dahil sa easterlies o hanging nagmumula sa Pacific Ocean.

Inaasahang aabot sa 25°C hanggang 33°C ang temperatura sa Metro Manila.

Narito naman ang inaasahang temperatura sa ilang lugar:

-Laoag City: 26°C–35°C

-Tuguegarao City: 25°C–35°C

-Baguio City: 18°C–26°C

-Tagaytay City: 24°C–34°C

-Legazpi City: 25°C–34°C

-Puerto Princesa: 26°C–34°C

-Cebu City: 27°C–33°C

-Iloilo City: 26°C–33°C

-Tacloban City: 27°C–34°C

-Zamboanga City: 25°C–34°C

-Davao City: 25°C–32°C

Ayon sa PAGASA, kahit mainit ang panahon sa maraming lugar, posible pa rin ang isolated rain showers o thunderstorms lalo na sa hapon hanggang gabi dahil sa localized thunderstorms.

Wala ring binabantayang bagyo o low-pressure area sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility, at wala ring gale warning sa anumang seaboard ng bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here