Home METRO Ina utas, 2 anak sugatan sa landslide sa Rizal

Ina utas, 2 anak sugatan sa landslide sa Rizal

49
0

RIZAL, Philippines – Patay ang isang ina habang sugatan naman ang dalawa niyang anak matapos tamaan ng gumuhong bato sa isang landslide sa Rodriguez, Rizal noong Linggo ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si “Risel,” 37-anyos. Sugatan naman ang kanyang dalawang anak na sina “Miro,” 2-anyos, at “Jacob,” 12-anyos.

Ayon sa 18-anyos na testigong si Hazel, bandang 5:30 a.m. ay narinig niya ang kanyang ina na sumisigaw ng, “Ano iyon? Parang may gumuguho. Labas bilis.”

Ilang sandali matapos nito, bigla umanong gumulong ang malaking bato papunta sa bahay ng pamilya at direktang tumama sa mag-iina.

Agad silang isinugod sa ospital para mabigyan ng lunas, ngunit idineklarang dead on arrival si Risel.

Patuloy namang ginagamot ang dalawa niyang anak matapos magtamo ng mga sugat dahil sa insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here