Home NATIONWIDE Drayber ng NBI posibleng maharap sa patong-patong na reklamo sa Senate shooting...

Drayber ng NBI posibleng maharap sa patong-patong na reklamo sa Senate shooting incident

34
0

MANILA, Philippines – Mahaharap sa patong-patong na reklamo ang drayber ng National Bureau of Investigation (NBI) na sangkot sa shooting incident sa Senate complex, Pasay City, ayon sa Philippine National Police Southern Police District (SPD) nitong Lunes, Mayo 18.

Sa panayam, sinabi ni SPD spokesperson Police Lieutenant Margaret Panaga na ang suspek, na nasa kustodiya ng Pasay City Police, ay nahaharap sa reklamong:

paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act
alarm and scandal
tumults and other disturbances of public order
resistance and disobedience to a person in authority or an agent of a person in authority
disturbance of proceedings
trespass to property
paglabag sa Senate security regulations
direct assault

Ani Panaga, ang suspek ay sumailalim sa paraffin test at nagpositibo sa powder nitrates, ngunit nilinaw na hindi agad pinatutunayan ng findings na nagpaputok siya ng baril.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang posibleng dahilan ng positibong resulta.

Aalamin din ng mga awtoridad kung sumailalim din sa kaparehong paraffin testing ang iba pang law enforcement personnel at security officers ng Senado na sangkot sa insidente.

Narekober sa drayber ng NBI ang 30 rounds ng 5.56 caliber live ammunition, isang long magazine loaded na may 26 rounds ng 5.56 caliber ammunition, isang short magazine na kargado ng 15 rounds ng 9mm ammunition, blue jacket na may marka ng NBI, itim na polo shirt na may logo ng NBI at badge, at brown sling bag.

Inaresto ang drayber ng NBI matapos ang sunod-sunod na putok na narinig sa loob ng Senate complex noong Miyerkules ng gabi.

Ang suspek na inilarawang alyas “Mel Oragon” ay 44-anyos na nagtatrabaho sa NBI bilang drayber. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here