MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Senador Robin Padilla nitong Lunes, Mayo 18 na nasa Pilipinas pa si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa bagamat walang ideya kung nasaan ito eksakto.
“Wala akong idea kung nasaan si Bato,” ani Padilla.
“Ikukumpirma ko ‘yun nasa Pilipinas siya. Hindi aalis yun.”
Si Dela Rosa ay nahaharap sa arrest warrant mula sa International Criminal Court, at bumalik sa Senado noong nakaraang linggo mula sa mahabang panahon ng pagliban. RNT/JGC