Home METRO Wanted sa rape ng 15 taon kumuha ng NBI clearance, himas-rehas

Wanted sa rape ng 15 taon kumuha ng NBI clearance, himas-rehas

38
0

MANILA, Philippines – Isang lalaking wanted sa kasong rape sa loob ng 15 taon ang naaresto matapos matukoy habang kumukuha ng NBI clearance sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Iligan City, ayon sa mga awtoridad.

Ayon sa NBI, personal na nagtungo ang suspek sa NBI–Iligan District Office nang lumabas sa routine verification na siya ay may “derogatory record” at kabilang sa mga wanted person para sa kasong rape.

Nakumpirma ang pagkakatugma ng kanyang pangalan, case number, kaso, korte na pinagmulan, at address na nakasaad sa warrant of arrest mula sa Regional Trial Court Branch 80.

Nang harapin, inamin umano ng suspek ang kaso ngunit sinabi niyang akala niya ay naayos na ito.

Isinilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest at kasalukuyang nasa kustodiya ng NBI–Iligan District Office ang suspek habang hinihintay ang mga susunod na hakbang ng korte.

Ayon sa NBI, ipinapakita ng insidente ang bisa ng kanilang clearance system bilang bahagi ng pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng seguridad ng publiko. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here