Home HOME BANNER STORY P53/kilo SRP sa lokal na bigas, itinakda ng DA

P53/kilo SRP sa lokal na bigas, itinakda ng DA

69
0

MANILA, Philippines – Itinakda ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price (SRP) na P53 kada kilo para sa lokal na bigas.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., napagkasunduan ito ng DA at mga rice industry stakeholders upang mabalanse ang kita ng mga magsasaka at abot-kayang presyo para sa mga mamimili.

Nilinaw din ng DA na ang SRP ay hindi price ceiling.

“It’s just a guide for consumers on fair local rice prices,” ani Tiu Laurel.

Dagdag pa niya, maaaring magbenta ang mga tindero ng mas mababa sa SRP, depende sa merkado, basta may makatuwirang kita ang bawat bahagi ng supply chain.

Ang SRP na ito ay bahagyang mas mataas sa imported 5% broken rice na may price cap na P50/kilo na itinakda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa loob ng 30 araw mula Mayo 14.

Ayon sa DA, ilalabas ang opisyal na memorandum ukol dito at magsisimula ang full enforcement ng rice price cap sa susunod na linggo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here