Manila, Philippines – Pumanaw na sa sakit na cancer ang ina ni Carol Banawa.
Mismong ang dating singer-actress ang nag-post nito sa Instagram nitong May 17.
Bale May 16 ng gabi nang malagutan ng hininga si Mommy Cirila while her loved ones gathered around her.
Naniniwala naman si Carol, now based in the US bilang nurse, na nasa mabuting kalagayan na ang ina sa piling ng Dakilang Lumikha.
Inalala din ni Carol ang pagiging cheerful o masayahin ng ina who loved them as much as she took care of them.
Mami-miss daw ni Carol ang presensya ng ina “who could light up a room,” maging ang pagtawa nito, mga kuwento “and the love she freely gave everyone around her.”
Sa kabila din daw ng iniindang karamdaman, nanatiling matatag daw ang kanyang ina.
Secure daw ang feeling ni Carol ngayong kapiling na ng kanilang ina at ama’t kapatid na pareho na ring sumakabilang-buhay.
“Do not worry, mama. We will be okay. We will do our best to make you proud every single day.
“This is not goodbye. Until we all see each other again,” saad pa ni Carol.
Mula sa Remate Online, ang aming pakikiramay kay Carol Banawa at sa kanyang pamilya. Ronnie Carrasco III