Inanunsyo nitong May 12 ng KDLex International Sweethearts sa X na babu na bilang tambalan sina Alexa Ilacad at KD Estrada.
Mutual decision daw ang pagkakabuwag nito due to “circumstances, external factors and the people sorrounding them.”
Naka-address ang bahaging ito sa kanilang fandom.
Gayunpaman, mananatili daw ang mga alaalang nabuo ng nasabing loveteam.
Nag-react agad si Alexa sa opisyal na pahayag ng grupo: “I will continue to love and appreciate all of you. Thank you for all the love, unwavering support and kindness you have given me and KD. We will always carry that in our hearts.”
Kunsabagay, darating at darating naman talaga ang panahong paghihiwalayin sila–tulad ng tambalang Belle Mariano at Donny Pangilinan.
It’s a career eventuality to test kung on their own ay kaya nilang mapanatili ang kanilang kasikatan.
It’s not the end of the world for “dissolved pairings.” Ronnie Carrasco III