Home METRO ‘Frustrated murder’ vs viral parak na nagpagulong sa rider, ibinasura ng korte

‘Frustrated murder’ vs viral parak na nagpagulong sa rider, ibinasura ng korte

98
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Pasig City Prosecutor’s Office ang kasong frustrated murder at malicious mischief laban sa isang police staff sergeant na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD), dahil sa kakulangan ng ebidensya batay sa 14-pahinang joint resolution.

Sa halip, inirekomenda ng mga piskal ang pagsasampa ng mas mababang kaso na slight physical injuries, na may piyansang ₱3,000, kaugnay ng viral road altercation sa C5 Road sa Pasig City noong Mayo 12.

Ayon sa resolusyon, hindi napatunayan ng mga reklamong inihain ng National Police Commission ang mga mas mabibigat na kaso.

Sinabi ni Atty. Ariel Inton, abogado ng pulis, na umano’y pinukaw ng nagrereklamo ang kanyang kliyente, na naging dahilan upang itulak ng pulis ang naturang indibidwal mula sa kanyang motorsiklo.

“Doon po sa video makikita po nating umiiwas na nga siya eh. Pero hinahabol siya nitong complainant, yung complainant hinahabol siya. He is provoking the police officer at may sinasabi siyang, oh naka-video ka, ganyan,” ani Inton.

Kinumpirma rin ni Inton na nananatiling nasa kustodiya ang pulis sa Camp Karingal habang patuloy na nire-review ang kaso, at pinag-aaralan din umano nila ang mga legal na hakbang kaugnay ng kanyang detensyon.

“Nasa custody siya, sa Camp Karingal. Isa rin yun na gusto ko ngang ma-question din pag nailabas namin. Ang sabi ay tinawag o sumuko na wala pa namang demanda at ilang araw na siya nandun, for a case of slight physical injuries,” dagdag niya.

Naunang pinuna ng National Police Commission at kinuwestiyon ang aniya’y mabigat na aksyon nito kahit na ibinaba lamang sa slight physical injuries ang kaso. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here