MANILA, Philippines – Walang nakakuha ng jackpot sa dalawang major lotto draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes, Nobyembre 23, matapos walang tumamang ticket sa Grand Lotto 6/55 at Mega Lotto 6/45.
Batay sa opisyal na resulta ng PCSO, nasa ₱45 milyon ang jackpot prize ng Grand Lotto 6/55. Ang winning combination ay 34-48-04-49-22-08, ngunit walang nakahula sa anim na numero.
Wala ring jackpot winner sa Mega Lotto 6/45 na may katumbas na premyong ₱35,125,470.58. Ang winning combination nito ay 40-38-18-42-43-39.
Sa kabuuan, mahigit ₱80.1 milyon ang jackpot prizes na hindi nakuha sa dalawang laro. RNT