TAIWAN – Sinabi ni Taiwanese President Lai Ching-te nitong Miyerkules, Mayo 20, na ang “foreign forces” ay hindi maaaring magdesisyon para sa kapalaran ng Taiwan.
Ang pahayag ni Lai ay ilang araw matapos sabihin ni US President Donald Trump na ang arms sales sa Taiwan ay maaaring gamitin bilang bargaining chip ng China.
“Taiwan’s future cannot be decided by foreign forces, nor can it be held hostage by fear, division, or short-term interests,” ani Lai sa kanyang speech sa ikalawang taon ng pagka-pangulo.
Sa pagbisita ni Trump sa China noong nakaraang linggo ay hinimok siya ni Chinese President Xi Jinping na huwag suportahan ang Taiwan. RNT/JGC