TUBA, Benguet – Patuloy ang isinasagawang rescue operation ng mga awtoridad matapos na bumagsak ang eroplano ng Philippine Air Force o PAF kung saan ang dalawang piloto ay nananatiling walang malay, sa Sitio Cabuyao, Poblacion, Tuba, Benguet.
Kinumpirma ng pulisya na ang dalawang indibidwal ay natagpuang unconscious matapos bumagsak ang sinasakyan nilang government aircraft na may logo ng Philippine Air Force, kulay gray/white/orange, at may plane number 10-39.
Bumagsak ang eroplano sa bulubunduking bahagi ng nasabing lugar ngayong Miyerkules, Mayo 20, ngunit naireport lamang ito bandang 11:40 ng umaga.
Isa sa mga sakay ay kinilalang si 1LT Ruth Angelique R. Pasos, PAF, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang uniformed male individual.
Nagpapatuloy ang operasyon ng Tuba MPS, Tuba BFP, Tuba MDDRRMO, at BCPO Station 10 sa dalawang biktima sa pagbagsak ng nasabing eroplano. REY VELASCO