Home NATIONWIDE Flood mitigation works isinasagawa na bago tag-ulan – PBBM

Flood mitigation works isinasagawa na bago tag-ulan – PBBM

64
0

MANILA, Philippines – TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko na ang gobyerno ay agresibong ipinatutupad ang flood mitigation measures sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa bago pa ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan.

Sa isinagawang pag-inspeksyon sa G. Araneta Drainage Improvement Project in Quezon City, sinabi ni Pangulong Marcos na nagsasagawa na ang gobyerno ng multiple interventions sa ilalim ng pambansang “Oplan Kontra Baha” program para bawasan ang makasaysayang flood-prone areas.

“As you know, we’re here at G. Araneta Avenue, tinitignan natin ang iba’t ibang ginagawa natin para mabawasan ang baha,” ayon kay Pangulong Marcos.

Nakapaloob sa P482-million drainage project ang pagkakabit ng dalawang 1.50-meter-diameter high-density polyethylene pipes sa kahabaan ng G. Araneta Avenue para i- upgrade ang umiiral na drainage system.

Ang 758-meter project, sa kahabaan mula Kaliraya Street hanggang E. Rodriguez Sr. Avenue, ay target na kompletuhin sa Mayo 31.

Ang G. Araneta Avenue, matatagpuan malapit sa Talayan Creek at San Juan River, ay kabilang sa ‘most flood-prone areas’ sa Metro Manila dahil sa paulit-ulit na pag-apaw dahil sa malakas na pag-ulan.

Nakatayo sa kahabaan ng kilalang-kilala na flood-prone G. Araneta Avenue, sinabi ni Pangulong Marcos na ang proyekto ay bumubuo sa bahagi ng mas malawak na estratehiya kailang na ang ‘drainage upgrades, desilting operations, pumping stations at river rehabilitation efforts.’

Sinabi pa ng Pangulo na ang pansamantalang pumping station na kasalukuyang nago-operate sa G. Araneta, sa kalaunan ay papalitan ng permanenteng pasilidad malapit sa San Juan River.

“The interventions are based on recommendations from the government’s Nationwide Operational Assessment of Hazards (NOAH) studies, which identified critical flood-prone areas requiring long-term engineering solutions,” ayon sa Pangulo.

“This is one of the areas that are critical. This is not the only area that we are doing these kind of interventions to make sure that we find a way para mailabas ang tubig para naman hindi na masyado bumaha,” aniya pa rin.

Ani Pangulong Marcos, kinakailangan pa rin ang karagdagang excavation work sa lugar bago pa ang kasagsagan ng panahon ng tag-ulan subalit nagpahayag ng kumpiyansa na kaagad na makararamdan ng kaayusan ang mga residente sa oras na magsimula na ang pagbuhos ng malakas na ulan.

“These are the strategies that we are employing. It will take a bit of time but we put in a good start,” ang tinuran ng Pangulo.

Aniya pa, habang ang Metro Manila ay nananatiling prayoridad dahil sa siksik na populasyon at vulnerability ng pagbaha, ang kahalintulad ng flood control interventions ay isinasagawa na rin sa buong bansa.

“Isa lang ito, napakarami nang ganito ang ginagawa natin around Metro Manila at saka sa buong Pilipinas,” ayon kay Pangulong Marcos. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here