Home NATIONWIDE 9K tauhan ng PNP naka-standby sa BARMM polls

9K tauhan ng PNP naka-standby sa BARMM polls

50
0

MANILA, Philippines – Nasa 9,000 tauhan ng Philippine National Police ang naka-standby para magsilbi sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kung hindi makapaglingkod ang mga guro, ayon sa Commission on Elections (Comelec) sa Kapihan sa Manila Bay.

Sinabi ni Comelec chairperson George Garcia na ginawa ang mga naturang paghahanda upang maiwasan ang nangyari noong 2022 polls, kung kailan walang gurong nagsilbi sa Cotabato City.

Ang tatlong araw na panahon ng paghahain para sa mga kinatawan ng distrito at mga miyembro ng partido ay mula Mayo 5 hanggang 7.

Samantala, ang BARMM parliamentary elections ay nakatakda sa Setyembre 14, 2026.

Mayroong 16 na partidong pampulitika at 23 sektoral na organisasyon ang akreditado para maghain ng kanilang kandidatura para sa paparating na botohan sa BARMM.

Sa susunod na halalan isasabay na ang BARMM parliamentary election sa national at local elections na gaganapin sa ikalawang Lunes ng Mayo 2031 at bawat tatlong taon pagkatapos nito.

Ang mga unang halal na opisyal ng BARMM ay magsisilbi ng limang taong termino simula sa tanghali ng Oktubre 30, 2026 hanggang tanghali ng Hunyo 30, 2031. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here