Home ENTERTAINMENT Maris, namigay ng bigas!

Maris, namigay ng bigas!

79
0

Manila, Philippines – Patuloy ang pamamayagpag ni Maris Racal bilang darling ng masang Pinoy makaraang mamahagi ng bigas sa mga mag-aaral at jeepney driver sa UP Diliman.

With a placard that says “Libreng Bigas,” ang eksena–makikitang tumayo sa gilid ng kalsada si Maris para iabot ang mga naka-plastic nang bigas sa mga umiikot na driver ng UP Ikot ang ruta.

Kasama din ang pag-aabot ng maiinom at makakain ang grupo ni Maris.

So, ano’ng okasyon?

Ipinagdiriwang din kasi ng singer-actress ang kanyang 12th year sa showbiz including the anniversary of her solid fan base–ang Mariestellers.

Ibinahagi niya ito sa kanyang Threads account through a video captioned: “12 years na ako sa industriya. Happy anniversary to us Mariestellers. Love you all so much!”

Comment ng isang fan: “Happy anniversary, my OG crush!”

Isn’t that paying forward? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here