Home NATIONWIDE Mga pekeng produkto, seasoning sa pagluluto, nasamsam; 3 suspek arestado sa isang...

Mga pekeng produkto, seasoning sa pagluluto, nasamsam; 3 suspek arestado sa isang bodega sa Caloocan

84
0

MANILA, Philippines – Daan-daang mga pekeng  produkto ng mga pampalasa sa  pagkain ang nakumpiska at naaresto ang tatlong kalalakihan sa isinagawang buy-bust operation ng Northern Police District (NPD)sa isang bodega,napaulat sa Caloocan City.

Batay sa report na ipinarating ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Anthony Aberin, ang nasabing police operation ay nag ugat makaraang makatanggap sila ng impormasyon na nagbebenta   ng mga pekeng  produkto ng pampalasa ang isang bodega na matatagpuan sa Corregidor St., sakop ng Brgy. 63.

Dahil dito, alas 8:00 ng gabi nang  subukan ng pulisya  na  magpanggap na buyer  sa nasabing bodega  at iabot  ang P100,000 marked money kapalit ng 60 kahon  ng mga pekeng pampalasa at doon naaresto ang tatlong  suspek.

Nakumpiska rin ng pulisya at ng mga kinatawan ng pribadong kompanyang gumagawa ng seasoning products, ang karagdagang 317 kahon ng kahalindulad din ng  pekeng produkto sa bodega ng mga naaresto.

Sinabi ni P/MGen. Aberin na hindi biro ang panganib na dala ng pekeng produkto sa kalusugan ng publiko, pati na rin sa posibleng pagkawala ng tiwala ng mga consumers sa naturang mga produkto.

Sasampahan ng pulisya ng reklamong paglabag sa Republic Act 8293, o ang Intellectual Property Code of the Philippines ang mga naarestong suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here