Manila, Philippines – Kinabog na nang todo-todo ng Master Cutter ni Dingdong Dantes
ang Blood vs Duty ni Richard Gutierrez sa Netflix.
Makaraan nga ang limang araw mula nang mag-pilot ang BVD ay ligwak na ito sa Top 10 shows sa nasabing platform.
Ang MC naman ay pumangatlo, at base sa TV ratings ay naibalik nito ang double-digit ratings.
Napag-alaman ang dahilan ng pagsadsad ng BVD.
Ito’y dahil umano sa pagpapakilala sa karakter ni Sen. Robin Padilla na gumaganap bilang Muslim.
Bagama’t ipinagpapasalamat ni Robin ang pagkakaroon ng “inclusivity” bilang pagtanggap sa kanyang partisipasyon doon, tila “allergic” daw ang Netflix sa pulitika.
Hangga’t maaari daw ay ayaw nilang
nababahiran ng kulay pulitika ang mga shows na ipinapalabas doon.
Of late, kontrobersyal nga naman si Robin na nauugnay sa kaso ng kabarong si Bato de la Rosa.
Hindi sana apektado ang BVD kung hindi nila kinuha ang serbisyo ni Robin.