Home NATIONWIDE Senior patay sa pila ng ayuda sa Cagayan

Senior patay sa pila ng ayuda sa Cagayan

53
0

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Imbes na pakinabangan sana ang ayuda mula sa pamahalaang nasyonal ay tila bangungot ang sinapit ng isang senior citizen na binawian ng buhay habang nakapila para sa cash aid distribution sa Capitol Gymnasium sa Tuguegarao City kaninang alas-7 ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Wilfredo Corpuz, residente ng Brgy. Anquiray, Amulung, Cagayan, na kabilang sa 2,199 benepisyaryo ng Cluster 2 ng emergency cash assistance.

Habang mahaba ang pila ay nakaramdam umano ng matinding init, gutom at uhaw ang biktima bago nawalan ng malay. Napansin din ang kakulangan ng inuming tubig sa lugar sa gitna ng dagsa ng mga benepisyaryo.

Samantala, sinubukan pang bigyan ng paunang lunas ang biktima ngunit hindi na ito humihinga. Isinugod pa siya sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ngunit idineklara ring dead on arrival.

Ayon kay Arnel Bulusan, Agricultural Technologist mula Amulung, kinonsulta nila ang DSWD kung maaaring maipagkaloob sa pamilya ng biktima ang ayuda.

Tumanggi ang ahensya dahil benepisyaryo rin ang kapatid nito kaya hindi maaaring ilipat ang pangalan sa ilalim ng umiiral na patakaran.

Dahil dito, dismayado ang mga mamamayan na dapat sanay binibigyan ng prayoridad ang mga senior citizen o hindi na kailangan pang pumila lalo sa mga mass distribution. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here