Home METRO 5 timbog sa pot session sa Pangasinan

5 timbog sa pot session sa Pangasinan

1
0

PANGASINAN, Philippines – Swak sa kulungan ang limang lalaki matapos umano silang maaktuhang nagpapa-pot session o sumisinghot ng hinihinalang shabu sa Dagupan City ng lalawigang ito nitong Martes, Oktubre 6.

Ayon sa Dagupan CPS, ang mga suspek ay edad 47, 40, 26, 18 at 20.

Tatlo sa mga suspek ang residente ng Dagupan City samantalang dalawa naman ang residente ng San Fabian, Pangasinan.

Nakatanggap ng cellphone call mula sa isang concerned citizen ang Police Station 6-DCPO tungkol sa umano’y nangyayaring  hinihinalang drug illegal drug activity (pot session) kaya agad silang rumesponde kasama ang mga personnel ng City Police Drug Enforcement Unit, City Intelligence Unit, at City  Investigation and Detective Management Unit para i-verify ang natanggap na report.

Pagdating ng responding  team sa lugar ay naaktuhan nila ang mga suspek habang nagsasagawa ng pot session o sumisinghot ng hinihinalang shabu.

Narekober mula sa mga suspek ang tatlong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Tumitimbang ng 3.5 gramo ang narekober na hinihinalang shabu at tinatayang nagkakahalaga  ito ng P23,800.

Bukod sa hinihinalang shabu ay mga gamit din na nakumpiska ang mga awtoridad na itinuturing nilang mga non-drug evidence.

Kabilang dito ang: isang bundle ng empty transparent plastic sachet; isang digital weighing scale; apat na lighter; isang improvised na burner;  apat na  improvised tooters; dalawang gunting; dalawang aluminum foil with residue; tatlong empty transparent plastic sachet; at isang aluminum foil.

Ang inventory at markings sa mga nakumpiskang ebidensya ay ginawa doon mismo sa lugar, sa presensya ng suspek at ng mga mandatory witnesses. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here