Home METRO Akyat-bahay laglag sa kamay ng mga parak sa Bulacan

Akyat-bahay laglag sa kamay ng mga parak sa Bulacan

57
0

Bulacan – Arestado ng mga pulis ang isang indibiduwal na umanoy umakyat ng bubong ng bahay sa bayan ng Santa Maria nitong umaga ng Mayo 22.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si alyas “Rey”, 31, driver, residente ng Northville 5A, Brgy. Caysio.

Batay sa imbestigasyon, nagising ang biktima dahil sa kahina-hinalang ingay mula sa labas ng kanilang bahay.

Nang usisain ang lugar ay nakita niya ang kanyang kapitbahay na nagsabing may taong nasa bubong ng kanilang bahay.

Dahil dito, dali-dali niyang hinarangan ng sofabed ang likurang pinto upang hindi makapasok ang suspek at humingi ng tulong sa police hot ng Santa Maria police station.

Agad naman nakaresponde ang mga pulis sa lugar na nagresulta ng agarang pagkaaresto sa tumatakas na suspek.

Nakuha sa suspek ang isang itim na bag na may lamang nylon rope at maliit na pitaka na naglalaman ng ID ng biktima at P500.

Ipinalaam sa suspek ang kanyang mga karapatan bago dalhin sa istasyon para sa kaukulang disposisyon na nahaharap sa kaukulang kaso. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here