Home ENTERTAINMENT Ivana, tinawag na ‘sugar mommy’!

Ivana, tinawag na ‘sugar mommy’!

130
0

Manila, Philippines – Kilala sa pagiging galante sa kanyang mga kaibigan ang “Love Is Never Gone” lead actress na si Ivana Alawi.

Bukod sa kanyang vlog, mahilig din kasing mamudmod ng pera ang YouTuber-actress sa kanyang mga inaayudahan sa kanyang vlog.

Ultimong ang leading man niyang si Joshua Garcia ay nagkumpirma sa isang panayam na madalas ay binubusog siya at ang crew ni Ivana sa mga pa-treat nitong pagkain sa set.

Sa kanya namang IG stories, ibinahagi ni Zeinab Harake ang pagiging generous ng kanyang friend na si Ivana.

In-upload kasi niya ang photo ng regalo sa kanya ng aktres na popular imported bikinis na associated kay Jennie Kim, ang miyembro ng pamosong KPop girl group na Blackpink.

Obvious na na-overwhelm siya sa sorpresang regalo sa kanya ni Ivana.

Feeling din niya ay sobrang pampered siya sa kapwa content creator.

Tinawag din niyang sugar mommy si Ivana.

Sey niya: “I don’t need a sugar daddy coz I have a sugar mama @ivanaalawi.”

Ito naman ang reaksyon ng kibitzers sa kanyang hirit.

“Wow, ang generous naman ni Ivana. Sana all.”

“Two beautiful and sexy YouTubers in one frame. Ang lakas maka-GL.”

“Bagay sila sa pyompyangan.”

“Hanep naman ang sugar mommy ni Zeinab.”

“Ang hot nilang dalawa.”

“In fairness, may chemistry sila.”

“Ang swerte naman ni Zeinab kay Ivana.”

“Gusto kong maging friend si Ivana. Hehe.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here