Home METRO HVI na tulak na labas-masok sa selda, balik selda ulit

HVI na tulak na labas-masok sa selda, balik selda ulit

67
0

MANILA, Philippines – Swak sa selda ang isa sa itinuturing bilang High Value Individual (HVI) at labas pasok na sa kulungan matapos masakote sa naganap na  buy bust operation ng pulisya, napaulat sa Valenzuela City.

Sa ulat  na nakalap mula sa tanggapan ni  Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek si alyas “Glen”, 45, ng Brgy., Mapulang Lupa.

Ikinasa ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Sherwin Dascil ang buy bust operation laban kay alyas Glen sa koordinasyon sa PDEA matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y patuloy na pagbebenta ng shabu ng suspek.

Hindi na nakapalag ang suspek nang arestuhin ng mga operatiba ng SDEU dakong alas-4 ng madaling araw sa kanto ng Feliciano at Que Balag Streets, Brgy., Ugong makaraang tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu.

Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price value na P204,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill kasama ang walong P1,000 boodle money at P200 cash.

Batay sa record ng SDEU, ilang beses na nilang naaresto ang suspek dahil sa pagbebenta ng ilagal na droga.

Nahaharap sa  kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang  suspek sa Valenzuela City Prosecutors Office. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here