Home TOP STORIES Libo-libong residente pinalikas sa California dahil sa banta ng pagsabog ng chemical...

Libo-libong residente pinalikas sa California dahil sa banta ng pagsabog ng chemical tank

43
0

CALIFORNIA, USA – Inatasan ng mga opisyal ang libo-libong residente sa Garden Grove, California na lumikas matapos magbanta ang isang sirang chemical tank na posibleng tumagas o sumabog at magbuga ng nakalalasong usok.

Ayon sa Orange County Fire Authority, ang tangke ay may laman na methyl methacrylate, isang madaling magliyab na kemikal na ginagamit sa paggawa ng plastik at aerospace manufacturing.

Sinabi ni division chief Craig Covey na patuloy nilang binubuhusan ng tubig ang mga tangke gamit ang mechanical device upang mapababa ang temperatura at maiwasan ang pagsabog.

“I know I keep talking about we were handed this situation where there’s only two things that can happen, it could crack and leak, or it could blow up. That’s not acceptable to us,” ani Covey.

Dagdag niya, nakikipagtulungan na sila sa mga eksperto mula sa iba’t ibang lugar upang makahanap ng ligtas na solusyon.

Nagsimula ang insidente noong Huwebes sa Garden Grove, isang lungsod na nasa 50 kilometro timog ng Los Angeles.

Ayon sa mga awtoridad, lumaki ang panganib ng pagsabog matapos makatanggap ng bagong impormasyon mula sa manufacturing company noong Biyernes.

Tatlong evacuation shelters ang itinayo sa Garden Grove, Anaheim, at Cypress.

Tinatayang 40,000 residente ang nasa evacuation zone, ngunit ayon sa pulisya, nasa 15% pa rin ang tumatangging lumikas.

Nagbabala rin ang health officials na maaaring magdulot ng matinding problema sa paghinga ang toxic vapor kung magkakaroon ng matagal na exposure.

Gayunman, sinabi ni Dr. Regina Chinsio-Kwong ng Orange County Health Care Agency na wala pang nadedetect na toxic vapor sa air quality monitoring.

“You are safe as long as you are out of the zone that was determined to be an evacuation zone,” aniya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here