Home NATIONWIDE Para sa epektibong serbisyo ng NPD vs kriminalidad, 6 na Strategic Program...

Para sa epektibong serbisyo ng NPD vs kriminalidad, 6 na Strategic Program Thrust sa CaMaNaVa, ipinatutupad

132
0

MANILA, Philippines – Alinsunod sa bisyon ng Philippine National Police para sa mas epektibong serbisyo at suporta sa direktiba ng NCRPO, isinusulong ng Northern Police District (NPD), sa ilalim ng pamumuno ni PBGEN BENLINER L CAPILI, Acting District Director, ang kanilang misyon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng kanilang Anim (6) na Strategic Program Thrust sa CaMaNaVa area.

Kamakailan, nagkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng mga miyembro ng CaMaNaVa Press Corps at ng pamunuan ng NPD, dito ipinaliwanag ni Capili ang nasabing estratehiya kung saan prayoridad ng nasabing programa ang pagtugon at Dynamic na Serbisyo ng Pagpapatupad ng Batas at Kaligtasan ng Publiko; Pakikilahok ng Komunidad para sa mga Inisyatiba ng Kapayapaan at Kaayusan; Smart Policing, Modernisasyon at Pagsulong ng Teknolohiya; Moral at Kapakanan; Pagsubaybay at Pagsusulong ng Integridad / Programa ng Panloob na Paglilinis; at Pagsasanay sa Kakayahan ng Human Resource.

Naayon sa pamumuno ng Serbisyong TAMA; Tapat may Malasakit, respeto at propesyonalismo at nakabatay sa pangako ng PNP sa “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman,” at nananatiling matatag ang NPD sa paghahatid ng propesyonal, transparent, at serbisyong nakatuon sa tao sa mga komunidad ng Hilagang Metro Manila.

Sa pamamagitan ng pinatibay na pakikipagtulungan, pinahusay na kahandaan sa operasyon, at patuloy na pag-unlad ng organisasyon, muling pinagtitibay ng Northern Police District ang kanilang dedikasyon sa pagtiyak ng mas ligtas na mga komunidad at pagkuha ng tiwala at kumpiyansa ng publiko na kanilang pinaglilingkuran. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here