Home NATIONWIDE HVI na barangay official sa Mindoro arestado sa iligal na droga

HVI na barangay official sa Mindoro arestado sa iligal na droga

70
0

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang konsehal ng barangay na tinukoy bilang high-value individual sa isang anti-illegal drug operation sa Sitio Duluhan, Barangay Calsapa sa San Teodoro, Oriental Mindoro.

Ayon sa MIMAROPA Regional Police Office, ang 38-anyos na opisyal ng barangay ay kabilang sa mga tinukoy na high-value drug personalities sa probinsya.

Isinagawa ang operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit 4B, San Teodoro Municipal Drug Enforcement Team, at Provincial Drug Enforcement Unit, sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-MIMAROPA.

Narekober ng mga awtoridad ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P23,800 mula sa suspek. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here