Home NATIONWIDE Gumuhong bahagi ng Baguio-Bontoc Road sinimulan nang ayusin ng DPWH

Gumuhong bahagi ng Baguio-Bontoc Road sinimulan nang ayusin ng DPWH

50
0

MANILA, Philippines – Nagsimula na ang rehabilitasyon ng gumuhong bahagi ng Baguio-Bontoc Road sa Barangay Caliking, Atok, Benguet.

Sa pahayag nitong Sabado, Mayo 23, iniulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na ang naturang highway ay naging one-lane road lamang at isang taon nang nasa ilalim ng stop-and-go traffic scheme.

Inatasan ni Public Works Secretary Vince Dizon ang DPWH – Cordillera Region na maglagay ng early warning devices para sa kaligtasan ng mga motorista at commuter sa panahon ng repair.

Ang bahagi ng naturang kalsada ay nasira ng sunod-sunod na bagyo noong Hulyo 2025.

Kamakailan ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa DPWH ang agarang repair ng nasirang kalsada para sa kaginhawahan ng mga motorista na nahihirapan sa masikip at mapanganib na kalsada.

Ang Baguio-Bontoc Road ay kabilang sa mga pangunahing kalsada patungo sa Baguio City. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here