Home NATIONWIDE Operasyon ng MRT-3, LRT-2 planong isapribado

Operasyon ng MRT-3, LRT-2 planong isapribado

1
0

MANILA, Philippines – Plano ng Department of Transportation (DOTr) na i-bid out sa pribadong sektor ang operasyon at maintenance ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa 2027.

Sa Stratbase Institute’s Pilipinas Conference 2026 nitong Biyernes, Nobyembre 20, sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na sisimulan na ang pagkuha ng bids para sa LRT-2 “next year.”

Ang solicited public-private partnership (PPP) para sa LRT-2 ay ginagawa sa tulong ng International Finance Corp. ng World Bank.

Ganoon din ang plano para sa MRT-3, na isasagawa sa pamamagitan ng solicited bidding sa susunod na taon, na may suporta mula sa Asian Development Bank.

Plano rin ng DOTr na magkaroon ng PPP para sa automated fare collection system na sasakop sa mga pangunahing railway network ng bansa, kabilang ang Metro Manila Subway at North-South Commuter Railway, sa unang bahagi ng susunod na taon.

Inanunsyo rin ni Dizon ang pagbubukas ng mga malalaking toll road project tulad ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) at unang phase ng Toll Road 4 (TR4) na magkokonekta sa Laguna patungong Lucena.

Nasa 97% complete na ang CALAX at inaasahang pasisinayaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bago mag-Pasko. Bukas na rin ang Kawit segment na nagkokonekta sa CALAX sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX).

Samantala, inaasahang bubuksan ang TR4 sa unang bahagi ng susunod na taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here