Home NATIONWIDE No-El sa 2028 wala sa agenda ng Kamara

No-El sa 2028 wala sa agenda ng Kamara

1
0

MANILA, Philippines – Hindi umano napag-uusapan ng mga mambabatas ang ukol sa “no-el” o pagpapaliban ng eleksyon sa 2028 upang mapalawig ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Binigyang diin ni Prosecutor at Manila Rep. Joel Chua na, “alam po ninyo, tigilan na nila ’yung mga kung ano-anong mga pinagsasabi nila. Siguro mas makabubuti pa sagutin na lang nila ’yung allegations dito, hindi ’yung kung ano-anong isyu ang ginagawa nila para malihis ’yung mga usapin.”

Tugon ito ng kongresista sa pahayag ni Atty. Paolo Panelo, ang tagapagsalita ni VP Sara na meron aniyang mga pag-uusap ngayon sa Kamara ukol sa pagpapaliban ng eleksyon sa 2028.

“Lahat po ’yan puro mga diversionary tactic lamang nila,” aniya.

Duda naman si House prosecution spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong sa paglutang ng ganitong isyu sa panahong nagpe-presenta ang Defense ng kanilang mga ebidensya.

“I understand that there’s that recent effort to divert the attention of the public from the impeachment trial, especially now that the defense case is so weak that they cannot even provide a single witness that can refute the case of the prosecution,” paliwanag ni Alonto Adiong.

Dahil dito, hinikayat ni Alonto Adiong ang kampo ni Duterte na itigil na ang alegasyon ng kawalan ng eleksyon sa 2028 at pagtuunan na lamang ang impeachment trial.

“But my unsolicited advice to the camp of the Vice President, please do not stretch your imagination too much. And instead, create stories that are believable para naman maniwala ang tao.”

Nauna ng inihain ng prosekusyon ang diumano’y P817.87 milyon hindi maipaliwanag na yaman ng mag-asawang Duterte mula 2022 hanggang 2025 na agad namang pinabulaanan ng depensa. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here