Home NATIONWIDE Dutch navy ship dumaong sa Pilipinas, maritime partnership sa bansa palalakasin

Dutch navy ship dumaong sa Pilipinas, maritime partnership sa bansa palalakasin

51
0

MANILA, Philippines – Dumaong sa Port of Manila nitong Biyernes ang frigate ng Royal Netherlands Navy na HNLMS De Ruyter bilang bahagi ng pagpapalakas ng maritime at defense cooperation ng Pilipinas at Netherlands.

Ayon kay Netherlands Ambassador Marielle Geraedts, mahalaga ang pagbisita ng barko lalo’t kasabay ito ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

Sinabi ni Geraedts na sumisimbolo ang pagdating ng Dutch naval vessel sa matibay na pagkakaibigan at pagpapahalaga ng dalawang bansa sa maritime security at freedom of navigation.

Bahagi ang pagbisita ng HNLMS De Ruyter sa limang buwang Indo-Pacific deployment ng Dutch Navy sa ilalim ng “Pacific Archer.”

Binigyang-diin din ng ambassador na mahalaga ang Pilipinas sa Indo-Pacific region at suportado ng Netherlands ang pagtalima sa international law, kabilang ang 2016 Arbitral Award sa South China Sea.

Mahigit 120 Dutch companies umano ang nasa Pilipinas habang nasa 40 porsiyento naman ng mga seafarer sa Dutch commercial fleet ay mga Pilipino.

Samantala, sinabi ni Commander Rodger de Wit ng HNLMS De Ruyter na magsasagawa sila ng joint exercises kasama ang Philippine Navy upang mapalakas ang interoperability ng dalawang bansa.

Kabilang sa mga aktibidad ang communication at maneuvering exercises, habang aakyat din sa barko ang nasa 150 cadets mula sa Philippine Merchant Marine Academy para sa orientation sa Dutch naval operations.

Ayon kay de Wit, ang HNLMS De Ruyter ay may kakayahang magsagawa ng anti-air, anti-submarine at anti-surface warfare operations.

Dagdag pa niya, naging propesyonal naman ang naging pakikisalamuha nila sa isang Chinese helicopter habang binabagtas ang South China Sea patungong Maynila. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here