Home HOME BANNER STORY Lampas 30 na-trap sa gumuhong gusali sa Pampanga

Lampas 30 na-trap sa gumuhong gusali sa Pampanga

114
0

MANILA, Philippines – Nasa 30 hanggang 40 indibidwal ang natrap sa gumuhong siyam na palapag na gusali na itinatayo sa Angeles City, Pampanga madaling araw ng Linggo, Mayo 24.

Ayon sa Angeles City Information Office, nagpapatuloy ang search and rescue operations.

Sa panayam ng DZBB kay Angeles City Information Office head Jay Pelayo, ang gusali ay itinatayo sa Teodoro Street sa Barangay Balibago bandang alas-3 ng madaling araw.

Walong indibidwal na nasa bisinidad ang agad na nasagip na nagtamo ng mga gasgas at minor injury.

Nagawa namang mailabas sa guho ang foreman at 10 iba pa na nasa stable na kondisyon.

Ayon sa foreman, nasa 30 hanggang 40 ang nasa loob pa rin ng gumuhong gusali.

Naapektuhan din ang gusali na katabi ng gumuho. Isang turista ang natrap ngunit nasagip din kalaunan.

Nasa ika-siyam na palapag na ang konstruksyon nang mangyari ang insidente.

Bumuo na ang lungsod ng unified command system na nilahukan ng iba’t ibang ahensya sadisaster response.

Pinangungunahan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang search and operations sa pakikipagtulungan sa ACDRRMO.

In-charge naman sa seguridad ang Philippine National Police at ang Angeles City Information Office ang in-charge sa komunikasyon.

Inaalam pa ang sanhi ng pagguho ng gusali.

Ang insidente ay nangyari matapos ang malakas na ulan at malakas na hangin nitong Sabado ng gabi.

Iniulat ng PAGASA na nasa 44 mm ng ulan ang bumuhos sa Angeles City mula alas-7 ng gabi hanggang alas-8 ng gabi.

Umapela naman ang mga awtoridad sa publiko na makipagtulungan upang hindi maantala ang rescue operations at hindi mapahamak. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here