Home NATIONWIDE Shari’ah Bar exams simula na ngayong araw

Shari’ah Bar exams simula na ngayong araw

48
0

MANILA, Philippines – Nakatakda ngayong Linggo, Mayo 24, ang 2026 Shari’ah Special Bar Examinations (SSBE) na pangungunahan ng Korte Suprema sa apat na local testing centers sa buong bansa.

Bukod sa nakatakda ngayong araw ay mayroon ding pagsusulit sa Mayo 27 sa designated testing centers sa Quezon City, Davao City, Iligan City, at Zamboanga City.

Sa Quezon City, ang New Era University ang itinalaga bilang national headquarters para sa examination.

Ang Shari’ah Special Bar Examinations ay isinasagawa para sa aspiring lawyers na nais pumasok sa Shari’ah Bar at kwalipikasyon para sa Shari’ah courts sa Pilipinas.

Bago ang pagsusulit, nag-isyu ang Quezon City government ng traffic at public safety advisory sa mga lugar na nasa paligid ng testing venue.

Bagamat walang pagsasara ng kalsada o rerouting scheme ay nagbabala ang mga awtoridad ng posibleng mabigat na daloy ng trapiko sa Central Avenue mula alas-4 ng madaling araw hanggang 7:15 ng umaga, at mula alas-4 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here