Home METRO 4 sugarol ng ‘Pepito’, arestado

4 sugarol ng ‘Pepito’, arestado

36
0

CAGAYAN, Philippines — Arestado ang apat na katao matapos maaktuhan nagsusugal ng ‘Pepito’ sa ikinasang anti-illegal gambling operasyon sa Brgy. Dibalio, Claveria, Cagayan.

Ang apat na suspek ay kinilala lamang sa kanilang mga alyas na “Popoy,” 18-anyos; “Sean,” 18-anyos; “DM,” 20-anyos at walang trabaho; at “Allan,” 20-anyos na isang vendor pawang mga residente ng naturang bayan na kasalukuyang naglalaro ng card game na “Pepito” na may nakataya umanong pera.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Claveria Police Station mula sa isang concerned citizen kaugnay ng umano’y nagaganap na ilegal na sugal sa bakuran ng isang bahay sa naturang barangay.

Sa isinagawang beripikasyon ng mga intelligence operatives ng himpilan ng pulisya katuwang ang Maritime Law Enforcement Team (MLET) Claveria ay nagpositibo kung kayat hinuli ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa kanilang pag-iingat ang isang set ng baraha at perang pinaniniwalaang ginamit bilang pamusta.

Ipinaalam sa mga suspek ang dahilan ng kanilang pagkakaaresto bago dinala sa Claveria Police Station kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.

Nahaharap ang apat na sugarol sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 na inamyendahan ng Republic Act 9287 o Anti-Illegal Gambling Law. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here