Home METRO Mga biktima ng sunog sa Parola Compound sa Maynila, bibisitahin ni PBBM

Mga biktima ng sunog sa Parola Compound sa Maynila, bibisitahin ni PBBM

35
0

MANILA, Philippines – Personal na bibisitahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga biktima ng na malaking sunog na nangyari sa Parola Compound sa Binondo, Maynila.

Alas-9 ngayong umaga inaasahan ang pagdating ng Pangulo sa Delpan Sports Complex at Delpan Evacuation Center kung saan pansamantalang nanunuluyan ang mga pami- pamilyang naapektuhan ng sunog.

Sa pagbisita ng Pangulo ay asahan na ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng sunog mula sa national government.

Asahan din ang magiging anunsyo ng Pangulo para sa iba pang klase ng tulong na maaari pang ipadala para sa unti- unting pagbangon ng mga nasunugang residente ng Maynila.

Samantala, aabot sa 3,000 pamilya ang naapektuhan ng insidente ng sunog na nagsimula nuong Sabado ng alas tres ng hapon at idineklarang fire out ng 12:17 am ng sumunod na araw at umabot sa Task Force Charlie. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here