Home NATIONWIDE Krimen sa bansa bumaba ng 16% sa unang bahagi ng “Safer Cities”...

Krimen sa bansa bumaba ng 16% sa unang bahagi ng “Safer Cities” program – PNP

75
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ng 16 percent ang crime rate sa bansa sa unang 43 araw ng implementasyon ng anti-crime program na “Safer Cities” initiative.

Ayon sa datos, may kabuuang 3,776 focus crimes ang naitala mula Abril 6, nang ilunsad ang kampanya, hanggang Mayo 18.

Mas mababa ito kumpara sa 4,495 kaso mula Pebrero 22 hanggang Abril 5, o katumbas ng 719 na pagbaba o 15.99 percent.

Lahat ng walong focus crimes—murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, car theft, at motorcycle theft—ay nagpakita ng pagbaba.

Pinakamalaking ibinaba ang rape cases na may 30.61%, kasunod ang carnapping ng motor vehicles (28.20%), physical injury (25.93%), robbery (15.12%), theft (10.61%), carnapping ng motorsiklo (6.64%), homicide (5%), at murder (2.17%).

Sa National Capital Region (NCR), bumaba rin ng 8.57% ang focus crime incidents sa parehong panahon.

Ayon sa PNP, ang pagbuti ng sitwasyon ay dahil sa mas pinalakas na police presence, intelligence-driven operations, strategic deployment, at koordinasyon sa mga LGU at iba pang sektor.

Sinabi ni PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr. na patunay ito ng epektibong pagpapatupad ng “Safer Cities” initiative sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad.

“Ang pagbaba ng focus crimes ay bunga ng mas pinaigting na police presence, mabilis na responde, at pakikipagtulungan ng iba’t ibang sektor sa ating kapulisan,” aniya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here