Home NATIONWIDE Sustainable farming sa Batangas, pinalakas ng DAR sa pamamagitan ng greenhouse project

Sustainable farming sa Batangas, pinalakas ng DAR sa pamamagitan ng greenhouse project

57
0

MANILA, Philippines – Tiniyak na magiging matatag at produktibo ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Nasugbu, Batangas sa pamamagitan ng nagpapatuloy na Greenhouse Facility Project na mino-monitor ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Upang matiyak ang kalidad at maayos na pagpapatupad ng proyekto, nagsagawa kamakailan ng joint monitoring and assessment ang DAR Regional Office IV-A at DAR Provincial Office–Batangas kasama ang KAMAHARI Agri-Based Multi-Purpose Cooperative at Turbo Konstrak Inc.

Laugnay nito bahagi ang greenhouse project ng Sustainable and Resilient Agrarian Reform Communities (SuRe ARCs) Project na naglalayong tulungan ang Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) na makaangkop sa epekto ng climate change habang binibigyan sila ng mas matatag at pangmatagalang oportunidad sa pagsasaka.

Sa isinagawang assessment, sinuri ng mga stakeholder ang progreso ng konstruksyon, technical specifications, at kabuuang implementasyon ng proyekto upang matiyak na naaayon ito sa itinakdang kalidad at target timeline.

Bukod sa pagmo-monitor ng proyekto, naging mahalagang pagkakataon din ito upang mas mapalakas ang koordinasyon ng DAR, mga partner organizations, at lokal na stakeholder para matiyak na tunay na makatutugon ang proyekto sa pangangailangan ng mga komunidad ng magsasaka.

Binigyang-diin ni Provincial Agrarian Reform Program Officer II Atty. John Erick M. Sawal ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na monitoring at matibay na pagtutulungan upang matiyak ang tagumpay ng proyekto.

“Sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na monitoring at assessment, tinitiyak natin na matatapos ang greenhouse facility nang may kalidad at kahusayan. Ang proyektong ito ay magbibigay ng mas magandang oportunidad para sa matatag na kabuhayan at mas mataas na produksyon sa agrikultura para sa ating mga ARB,” aniya.

Kapag natapos na ang greenhouse facility, inaasahang magkakaroon ang mga ARB ng mas kontrolado at mas episyenteng farming environment na makatutulong upang mapataas ang produksyon, mabawasan ang epekto ng pabago-bagong panahon, at madagdagan ang kita ng mga magsasaka.

Ipinapakita rin ng proyekto ang sama-samang layunin ng DAR at mga katuwang nitong organisasyon na makabuo ng mas matatag at climate-resilient na agrarian reform communities sa pamamagitan ng pangmatagalang programang pangkaunlaran sa agrikultura. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here