MANILA, Philippines – Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), umabot sa ₱77.78 milyon ang halaga ng mga iligal na droga na nasamsam at 85 suspek ang naaresto sa mga operasyon sa buong bansa mula Mayo 14 hanggang 21.
Sinabi ni PDEA Director General Isagani Nerez na naisagawa ang 78 operasyon sa loob ng isang linggo.
“This week’s accomplishment report is a testament to the unwavering commitment, dedication, and bravery of our operatives on the ground,” ani Nerez.
Dagdag niya, “From intercepting illegal drug shipments at the airport to dismantling drug dens and eradicating marijuana plantations in remote areas, we are proving that no corner of the country is beyond the reach of law enforcement.”
Kabilang sa mga nasamsam ang 9,596.85 gramo ng shabu, 12,257.32 gramo ng tuyong dahon ng marijuana, 41,520 halamang marijuana, at 12,120 seedlings.
Sa mga naaresto, 58 ang drug pushers, 11 ang possessors, at 5 ang umano’y drug den operators.
Ayon sa PDEA, ang lahat ng suspek ay mahaharap sa kaso sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at ang mga nakumpiskang ebidensya ay isasailalim sa forensic examination at gagamitin sa mga kaso sa korte. RNT/MND