Home NATIONWIDE Deepfakes, online harassment, panganib sa publiko – PNP

Deepfakes, online harassment, panganib sa publiko – PNP

32
0
Hacker in data security concept. Hacker using laptop. Hacking the Internet. Cyber attack.

MANILA, Philippines – Itinuturing na ng Philippine National Police (PNP) ang deepfakes at coordinated online harassment bilang “public order concerns,” ayon sa pahayag nitong Lunes.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez, kailangang umunlad ang mga umiiral na batas upang makaangkop sa mabilis na pag-usbong ng AI-driven disinformation, troll operations, at deepfake technology.

Giit niya, ang mga deepfakes at organisadong online harassment ay hindi lamang banta sa mga indibidwal kundi pati sa kredibilidad ng mga institusyon at seguridad ng bansa.

Ipinaliwanag ng PNP na ang disinformation ay maling impormasyong sinasadyang maglinlang, habang ang troll operations ay koordinadong kampanya para manipulahin ang opinyon ng publiko, at ang deepfakes ay AI-generated na video o imahe na ginagaya ang hitsura at boses ng isang tao.

Ang pahayag ng PNP ay kasunod ng panawagan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Kongreso na magpasa ng batas laban sa disinformation, troll farms, at AI-generated content.

Ayon kay Nartatez, bagama’t may umiiral na cybercrime at libel laws, hindi pa ito sapat para sa malawak at organisadong AI-assisted online operations kaya kailangan ng mas malinaw at mas mabilis na legal na mekanismo.

Dagdag pa niya, palalakasin ng PNP ang koordinasyon sa NBI at Department of Information and Communications Technology (DICT), habang paiigtingin ang monitoring ng cybercrime units laban sa troll farms at disinformation networks. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here