Home METRO Rider, huli sa kasong rap, sexual assault

Rider, huli sa kasong rap, sexual assault

36
0

BULACAN, Philippines – Swak sa selda ang motorcycle taxi rider na akusado sa kasong Rape at Sexual Assault matapos maaresto ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) sa isinagawang pagtugis rito sa Marilao, Bulacan.

Ayon kay NPD Acting Director P/BGen. Benliner Capili, ang akusado ay  bilang Most Wanted Persons  (MWP) sa Munisipyo ng Marilao, Bulacan dahil sa kasong tatlong bilang ng Rape at Sexual Assault in relation to Section 5(B) of R.A. 7610.

Matapos mapag-alaman.ang kinaroroonan  ng akusado,isinagawa ang joint manhunt operation ng NPD at ng Marilao Component Police Station.

Hindi na nakapalag ang akusado nang arestuhin ito  malapit sa kanyang bahay sa Barangay Ibayo, Marilao, Bulacan.

At base sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 121, Meycauayan, Bulacan, naaresto ang akusado.

Walang inirekomendang piyansa para sa kasong Rape habang may piyansa naman na P200,000 para kasong sexual assault. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here