Home NATIONWIDE Mga pinutol na puno sa Palawan, dinepensahan ng DENR

Mga pinutol na puno sa Palawan, dinepensahan ng DENR

50
0

PALAWAN, Philippines – Ipinagtanggol ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang tree-cutting activities sa Berong Nickel Project sa Palawan, sinabing may mahigpit na legal at environmental safeguards na ipinatutupad bago ito isagawa.

Ayon sa DENR, walang punong puputulin kung walang legal na basehan at required environmental compliance, kabilang ang rehabilitation at long-term monitoring ng lugar. Dagdag pa ng ahensya, isinasagawa ang proyekto sa mga phased implementation upang hindi sabay-sabay ang pagputol ng mga puno.

Sa permit para sa proyekto, may 26,617 puno ang pinayagang putulin habang 43,743 saplings naman ang isasailalim sa earth-balling at ililipat sa ibang lugar.

Ipinaliwanag din ng DENR na may kapalit na 100 indigenous seedlings para sa bawat punong puputulin, na aabot sa humigit-kumulang 2.6 milyong seedlings na itatanim bilang bahagi ng reforestation efforts.

Kasama sa mga itatanim ang mga native at mangrove species gaya ng Pagatpat at Api-api, habang obligadong alagaan ang mga ito sa loob ng hindi bababa sa tatlong taon upang matiyak ang survival.

May mga buffer zone din na 20 metro sa mga ilog at waterways, at mahigpit na monitoring gamit ang geo-tagged reports at multipartite monitoring teams na binubuo ng gobyerno, LGU, at civil society groups.

Ayon sa DENR, layunin ng mga hakbang na ito na tiyaking mas malaki ang benepisyong pangkalikasan kaysa sa pinsalang maidudulot ng proyekto, at hinihikayat ang publiko na manatiling kalmado habang nagpapatuloy ang implementasyon ng proyekto. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here