Home METRO Mga programang pangkaunlaran inilapit ng DSWD sa mga Bicolano

Mga programang pangkaunlaran inilapit ng DSWD sa mga Bicolano

33
0

BICOL, Philippines – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipinagpapatuloy nito ang kanyang misyon na dalhin ang mga makabagong programa at serbisyo nito nang mas malapit sa mga mahihirap at vulnerable na Pilipino sa buong bansa sa pagkakataong  ito sa lalawigan ng Sorsogon sa rehiyon ng Bicol.

Sa ginanap na Innovations Caravan kamakailan sa Balogo Sports Complex sa Lungsod ng Sorsogon noong Huwebes (Mayo 21), sinabi ni Undersecretary Edu Punay ng DSWD’s Innovations and Program Development Group (IPDG) na mahalaga ang aktibidad na ito dahil nagbibigay ito ng plataporma para sa kolaborasyon ng pamahalaang pambansa at lokal sa paghahatid ng mas maayos na mga programa sa mga komunidad.

Ang bilin po sa amin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kapag may i-implement tayong national program, ay kailangang makipag-collaborate sa local government. Hindi magiging matagumpay ang mga programang ito kung hindi maayos ang ating partnership sa LGUs. Ito ang mga programa na developmental at nag-i-invest sa human capital at sinisiguradong makatatayo sa sariling mga paa ang ating mga benepisyaryo,” sabi ni Undersecretary Punay.

Kabilang sa mga tampok na programa ang Walang Gutom Program (WGP), ang Tara, Basa! Tutoring Program (TBTP), ProtecTeen, Project ARUGA, Pag-abot Program, Angel Pets, Apo Ko: Kwento ni Lolo’t Lola, Gabay ng Kabataan, at ang Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP).

Upang ipakilala ang programa sa mga Bicolano, naglagay ng mga booth sa lugar, na may mga interaktibong aktibidad at mga materyales sa adbokasiya.

Isa pang tampok ng Innovation Caravan ay ang ikalawang Walang Gutom Kusinero Cook-Off Challenge.

Ang Kusinero Cook-off Challenge ay isang estratehiya sa adbokasiya ng WGP na nagpapakita ng kasanayan sa pagluluto, kaalaman sa nutrisyon, at disiplina ng mga benepisyaryo sa paghahanda ng malusog, masarap, at abot-kayang pagkain para sa kanilang pamilya.

“Ang Walang Gutom Kusinero Cook-Off Challenge ay isang mahalagang parte ng Walang Gutom Program. This is an important part of our social behavioral change component of the WGP where we teach our beneficiaries to prepare food that is healthy, delicious, but affordable sa ating monthly nutrition education sessions,” ipinunto ng  IPDG undersecretary. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here