BELGIUM – Nabangga ng isang tren ang school minivan sa level-crossing sa Buggenhout, Belgium nitong Martes, Mayo 26 na ikinasawi ng apat katao kabilang ang dalawang special needs pupils.
Kasama sa nasawi ang 12 at 15-anyos na estudyante, drayber nito, at chaperone na edad 27.
“What could have been a beautiful spring morning suddenly turned into a pitch-black day,” sinabi ni East Flanders Provincial Deputy Kurt Moens sa panayam.
Sa lakas ng pagkakasalpok ng tren ay nayupi ang puting minivan.
Sinabi ni Police spokesperson An Berger na nakababa ang safety barriers ng tren nang mangyari ang insidente.
Hindi pa malinaw kung paano nakapasok ang van sa barrier patungo sa riles ng tren.
“The van came from Kerkhofstraat, a road running parallel to the railway line, and turned left toward Vierhuizen, crossing the railway at a point that was closed at the time. The van was hit by an oncoming train,” ani Berger.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si European Commission President Ursula von der Leyen.